^

Metro

Pulis, sundalo tiklo sa ‘escort service’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis, sundalo tiklo sa �escort service�
Hindi muna binanggit ng HPG chief ang pangalan ng mga pulis escort habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Galit na galit si PNP-Highway Patrol Group chief PBrig Gen. Jay Cumigad  sa isang pulis at sundalo matapos na mahuli sa akto na magmo-motorcycle escort.

Hindi muna binanggit ng HPG chief ang pangalan ng mga pulis escort habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Nabatid na  isang pulis ang nagsuot ng uniporme ng HPG habang ang sundalo naman ay nagsuot ng uniporme ng pulis.

Nagawa pang lagyan ng sundalo ng sticker ng pulisya ang kanyang motorsiklo.

“Hindi ka na nakakatulong, nakakaperwisyo ka pa” ani Cumigad sa pulis.

Ayon kay PCol. Neil Francia, HPG- NCR chief na nahuli ang pag-e-escort ng dalawa nang lumusot ito sa daloy ng trapiko.

Giit ni Cumigad, nililinis nila ang hanay ng PNP kaya tutuluyan nilang kasuhan ang pulis at sundalo.

Matatandaang dalawang tauhan din ng Special Action Force(SAF) ang nasa restrictive custody matapos na masangkot sa bugbugan at mabuking na nag-e escort sa isang Chinese official ng POGO.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with