Pagbubukas ng mala-stairway to heaven na footbridge, pinagpaliban
MANILA, Philippines — Pinagpaliban muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbubukas ng mala-stairway to heaven na foot bridge sa EDSA Kamuning.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, posibleng sa Disyembre 15 pa ito bubuksan sa publiko dahil magdadagdag at may aayusin pa para na rin sa kaligtasan ng mga pedestrian na tatawid dito.
Dapat ay noong Nobyembre 15 ito binuksan, hanggang sa naiurong ng Nobyembre 27.
Nabatid na naipagpaliban ang paggawa nito dahil sa kondisyon ng panahon at pagkakadakip ng 3 construction worker nito dahil sa droga. Ayon pa kay Pialago, kung hindi man aniya sa akinse, bago magtapos ang taon ay siguradong magagamit na ito ng publiko.
- Latest