^

Metro

3 pang dawit sa droga, bulagta

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo na namang sangkot sa droga ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente sa Malabon at sa Maynila.

Patay ang isang lalaking sangkot sa droga nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin kamakalawa sa Malabon City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan si Jerome Ponce, 23, ng Governor Pascual Avenue, Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect habang  nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang mga pulis sa insidente.

Ayon kina Malabon City police homicide investigators SPO1 Alexander Dela Cruz at  PO2 Roldan Angeles, naganap ang insidente ala-1:30 ng  hapon sa Governor  Pascual Avenue, Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang una na naging dahilan ng agarang kamatayan nito, samantalang ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas. Napag-alaman ng pulisya, na ang biktima ay sangkot umano sa droga  na posibleng dahilan kung bakit ito pinaslang.

Sa Maynila dead   on the spot din si Virgilio Hilario, 39 ng Bacood, Sta Mesa  at sinasabing nasa drug watchlist nang pagbabarilin ng riding in tandem, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO2 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 4:30 ng hapon sa Bacood Park na mata­tagpuan sa panulukan ng Cordillera at Valenzuela Sts., Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Mismong ang misis ng biktima na si Aileen Hilario,  39, na residente ng lugar ang kumilala sa bangkay.

Siyam na  basyo ng 9 mm kalibreng baril ang narekober sa crime scene.

Habang  kamakalawa rin, ala-1:15 ng madaling araw nang mapatay sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng MPD-Station 11 ang drug pusher sa Clavel St., malapit sa Camba St., Binondo, Maynila.

Kinilala lang ang nasawi sa alyas na Mac-mac, 35-, may taas na 5’10, katamtamang ang laki ng pangangatawan, may tattoo ng ‘Bahala na Gang ‘sa kanang pigi, nakasuot ng asul na t-shirt, at checkered na shorts at residente ng Binondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, nakabili ang mga operatiba ng P500 halaga ng shabu sa suspek dakong  ala-1:15 ng madaling araw kahapon sa ikinasang buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD-Station 11 sa Clavel Street, malapit sa kanto ng Camba Street sa Binondo. Gayunman, nakalahata ang suspect na pulis ang kanyang ka-transaksyon kung kaya bumunot ito ng baril at agad na nagpaputok sa mga papalapit at aaresto sa kanyang pulis. Mabilis namang nakaganti ang mga parak na ikinasawi nito.Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre 38 baril, isang plastic sachet ng shabu at P500 marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with