^

Metro

Senglot hulog mula sa 2nd floor, dedo

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 45-anyos na tiles installer matapos itong mahulog mula sa ikalawang palapag habang umiinom ng alak kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Basag ang bao ng ulo ng biktimang si Manuel Danila ng Liton Street, Litex Village sa Barangay San Jose,  bayan ng Montalban, Rizal.

Sa pahayag ng nakasaksing si Lionel Paulino, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali sa panulukan ng  Amugis at Taluto Street sa Amparo Subdivision, Brgy.179 sa nasabing lungsod.

Kainuman ng biktima si Ricardo Ladrillo kung saan nagpaalam ito  upang sunduin ang kanyang asawa.

Gayunman, naiwang mag-isa sa inuman ang biktima subalit ilang  sandali ay bigla na lamang nahulog mula sa ikalawang palapag si Danila at tumama ang ulo nito sa sementadong palapag.

Sasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang  malaman kung walang foul play ang pagkamatay nito.

vuukle comment

SENGLOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with