Drug education program pinalakas ng DepEd
MANILA, Philippines – Lalo pang pinalakas ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante na huwag tumikim ng ano mang uri ng ipinagbabawal na gamot. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, inatasan na niya ang lahat ng school superintendent, principal at mga guro sa buong bansa na tumulong sa kampanya ng Duterte administration against illegal drugs. Sinabi ni Briones, iniutos na niya ang pagpapaigting sa National Drug Education Program (NDEP) ng kagawaran sa pamamagitan ng ‘holistic approach’ para sa prevention at elimination ng drug menace sa bansa.
- Latest
























