^

Metro

Lola, 1 pa timbog sa ecstasy

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao kabilang ang isang 62-anyos na lola ang kalaboso matapos makumpiskahan ng 50 piraso ng ecstasy na nagkakaha­laga ng humigit kumulang sa P100,000.00 sa isinagawang buy-bust operation ng National Capital Regional Police Office sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Nakaditine ngayon sa NCRPO, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang mga suspect na sina Lilia Ong, ng Brgy. Immaculate Concepcion, Cubao at Neil Songco, 47, ng Brgy. Holy Spirit,  Quezon City.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni NCRPO Director Joel Pagdilao, alas-12:45 ng madaling-araw nang ma­aresto ang mga suspect sa operasypn na isinagawa ng Region Anti-Illegal Drug–Special Operation Task Group (RAID-SOTG) sa harap ng Padis Point na matatagpuan sa Timog Avenue malapit sa panulukan ng Morato St., Quezon City.

Isang poseur-buyer ng pulisya ang nakipagtransak­syon sa mga suspect na bumili  ng 10 piraso ng ecstasy na may halagang P1,500 kada pi­raso.

Nang maiabot na ng mga suspect sa pulis ang natu­rang droga, dito na sila dina­kip  ng mga tauhan ng RAID-SOTG.

Bukod dito nasamsam pa sa mga suspect ang may  50 pang pirasong ecstasy na tinatayang humigit kumulang na nasa P100,000.00.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with