^

Metro

Kelot binoga sa ulo, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Butas ang bungo ng isang lalaking tadtad ng tattoo sa katawan makaraang barilin sa harap ng Yayadub apartelle sa Barangay Lagro Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU), isinalarawan ang biktima sa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’8, nakasuot ng kulay puting sando, at asul na short pants, at puno ng tattoo ang katawan.

Nangyari ang insidente sa may harap ng nasabing apartelle na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Highway ng nasabing barangay dakong alas 9:05 ng gabi.

Sabi ni Gregorio Aniban, kasalukuyan siyang nagpipintura ng dinding ng isang unit sa Yayadub apartelle nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa labas.  Dito niya nadatnan ang biktima na walang buhay at naliligo sa kanyang sariling dugo.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operative (SOCO),  nakuha  ang isang basyo ng kalibre 9mm na baril habang  sa cursory examination sa bangkay , lumabas na nagtamo ito ng lagos lagusang tama ng bala sa ulo.

Inaalam na ng otoridad ang tunay na pagkatao ng biktima sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hingil sa insidente. 

vuukle comment

ICTSI EAGLE RIDGE INVITATIONAL

ORLAN SUMCAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with