^

Metro

3 miyembro ng ‘Estribo gang’, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natimbog na ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong miyembro ng kilabot na ‘Estribo gang’ matapos ang follow up operation isang araw maka­raang holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong jeepney sa lungsod, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Station 9 commander P/Supt. Wilson delos Santos, ang mga suspect na sina Jonas Angustia, 18; Archie Noda, 24; mga residente ng Tumana Marikina City; at Edwin Lim, 22, residente ng Brgy. Silangan San Mateo Rizal.

Ayon kay Supt. Delos Santos, ang mga suspect ang res­ponsable sa panghoholdap­ sa isang pampasaherong jeep na bumibiyahe sa may kaha­baan ng Katipunan Ave­nue, patungong Marikina fly over, Brgy Loyola Heights sa lungsod.

Aniya nadakip ang mga suspect makaraang magsa­gawa ng follow-up operation ang kanilang tropa sakay ng mobile patrol car at naispatan ang mga suspect sa nasabi ring lugar habang naghihintay ng kanilang mabibiktima, ganap na alas-11 kamakalawa ng gabi. Dahil dito, agad na kinorner ng mga operatiba ang mga suspect saka inaresto at dinala sa nasabing himpilan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARCHIE NODA

BRGY LOYOLA HEIGHTS

DELOS SANTOS

EDWIN LIM

JONAS ANGUSTIA

KATIPUNAN AVE

MGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with