^

Metro

Indian national namaril ng hindi bayaran sa 5-6

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Indian national nang barilin nito ang isang mister na hindi nakapagbayad sa inutang nito sa negosyong “5-6” ng una kamakalawa sa Malabon City.

Nakakulong ngayon sa Malabon City Police detention cell ang suspek na si Dilip Kumar Sohanlal Chindariya, 42, naninirahan sa #454 Hernandez St., Barangay Catmon.

Suwerteng hindi tinamaan ang biktimang si Bobby Buenaventura, 53, ng C-4 Road, Barangay Tañong ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roger Gonzales, ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng C-4 Road naturang barangay.

Sinisingil ng suspek ang biktima sa balanse nito sa inutang na pera ngunit dahil kapos sa kinikita ay hindi nakabayad  si Buenaventura.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa bunutin ng suspek ang dalang baril at pinutukan ng malapitan ang biktima na himalang hindi tinamaan.

Nagmamadaling tumakbo ang biktima bago pa ito mu­ling maputukan ng suspek at dumiretso ito sa barangay hall at nagsumbong sa mga tanod at sa tulong na rin ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ay naaresto ang naturang dayuhan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY CATMON

BARANGAY TA

BOBBY BUENAVENTURA

DILIP KUMAR SOHANLAL CHINDARIYA

HERNANDEZ ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROGER GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with