^

Metro

3,000 pamilya nawalan ng bahay sa kwitis

Ludy Bermudo at Ricky T. Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kwitis ang sinasabing sanhi ng malaking sunog na naganap matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon, sa may 1000 kabahayan na sakop ng dalawang bara-ngay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Umabot sa 3000 pamilya ngayon ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog na umakyat sa general alarm na pawang residente ng Barangay 155 at Barangay 160, sa District 2, Tondo, na nasa erya ng Dagupan Extension, Raxabago at Maria Gizon Sts.

Ayon kay Supt. Jaime Ra­­­mirez, Fire Marshal ng Manila Fire Bureau, alas-3:00 pasado ng madaling-araw nang magsimula ang sunog na naideklarang fire-out alas-9:59 ng umaga.

Posibleng ang Kwitis, isang uri ng firecrackers, ang sanhi ng malaking sunog, ayon sa impormasyon na patuloy pang inaalam ng Arson investigator.

May nakakita umano ng pagbagsak ng paputok sa isang bahay na pag-aari ng isang Louie Basa, na agad ding sumiklab pati ang katabi pang luma at abandonadong bahay na yari lamang sa kahoy na pag-aari umano ng isang Lulay Soriano.

Malakas din umano ang hangin kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy.

Sinabi din ng ilang bara-ngay tanod na sinubukan nilang apulahin ang apoy su-balit bigo silang maagapan ito hanggang sa mismong ang barangay hall ng Brgy. 155 ay matupok.

Apat din ang  nagtamo ng  minor injuries.

Samantala, 15 pamilya ang nawalan din ng tahanan matapos na sumiklab ang apoy sa kanilang lugar sa Barangay Krus na Ligas sa pagsisimula   lamang ng taong 2016 kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, ang sunog ay nangyari sa may Tiburcio St., ng naturang barangay ganap na alas 2:12 ng madaling araw.

Diumano, katatapos lamang ng pagsalubong sa bagong taon at nagpapahinga na ang mga residente nang biglang may maglagablab sa isang bahay dito.

Dahil pawang mga gawa lamang sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa umabot ito sa ikalawang alarma.

Ganap na alas 3:07 ng ma­daling-araw nang tuluyang maapula ang apoy kung saan naabo ang walong bahay.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasa-bing insidente habang aabot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang napinsala.

Sabi ni Fernandez, tini­tingnan nila ang problema sa kuryente ang ugat ng sunog na maaring nag init matapos na hindi matanggal sa saksakan pagkaraang magtapos ang selebrasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BARANGAY KRUS

DAGUPAN EXTENSION

FIRE MARSHAL

JAIME RA

JESUS FERNANDEZ

KWITIS

LOUIE BASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with