^

Metro

Sinibak sa trabaho, seaman nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tila dinamdam ng isang seaman ng isang international shipping lines ang pagkakatang­gal o pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas nang magbigti ito kama­kalawa ng hapon sa Maynila.

Kinilala ang biktimang si John Gregg Elejan, 31, binata, oiler crew at tubong Guimaras, Iloilo City at pansamantalang nanuluyan sa Status maritime Corporation na matatagpuan sa no.1802  San Marcelino, panulukan ng J. Nakpil St.,  Malate, Maynila.

Sa ulat ni P03 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-3:10 ng hapon ng (Dis. 5) nang madiskubre na nakabigti sa water hose na kulay green sa ilalim ng fire exit ng gusali ng Status Maritime Corporation ang biktima.

Sinabi ng maritime cadet na si Rex Barcebal, 24 at Michael Bugna, security guard ng building, na nagulat sila nang makitang nakabitin ang biktima kaya pinagtulu-ngang alisin at isinaila-lim sa cardio pulmonary resuscitation (CPR).

Nagkaroon umano ito ng mahinang pulso kaya isinugod sa Philip­pine General Hospital (PGH) idineklarang dead-on-arrival alas 3:45 ng hapon.

Batay naman sa do­­­kumentong nakuha ka­­­ugnay sa biktima, siya ay sinibak sa pagiging oiler ng barko dahil sa pagkakaroon ng “bad beha-vior, bad performance, not following instruc-tions at negligence of duties and responsibilities tulad ng pag-abandona sa engine  room ng walang inabisuhang crew at ang pagsasalita umano nito na may papatayin siya.

Nakasaad din sa nilagdaang dokumento ni Capt. Ricardo Acedo na dahil sa mga paglabag at mga warning laban sa biktima ay uuwi ito sa bansa kahit hindi pa tapos ang kontrata at siya mismo ang babalikat ng gastusin dahil sa hindi natapos na kontrata.

Sinabi pa umano ng biktima  na hindi na siya makapag-concentrate sa trabaho.

“Hindi lang yung pag-kaka-repatriate ang dahilan kung bakit siya nagbigti, ayon sa agency kasi  balisa siya tapos yung ikinikilos niya na kakaiba at nagsasalita pa raw na may papa­tayin siya  habang nasa barko kaya ipina-deport na lang. Kadarating lang niya mismo at nag-stay lang sandali sa agency nang magbigti siya,” ani PO3 Layugan.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO LAYUGAN

ANG

GENERAL HOSPITAL

ILOILO CITY

JOHN GREGG ELEJAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARITIME CORPORATION

NBSP

SHY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with