^

Metro

Salpukan ng 2 kotse: 3 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang kotse sa kahabaan ng EDSA north bound sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO2 Ronquillo Maaño ng Quezon City Police District-Traffic Sector 6, ang mga sugatan ay nakilalang sina Niño Melchor Venturina, 20, estudyante, driver ng Mitsubishi Lancer (UMS-744); at sakay nitong si Trinilisa Chua, 20, estudyante kapwa residente ng Caloocan City; at Dea Joy Briones, 31 ng Valenzuela City at sakay ng Honda City na may conduction sticker na DR-3402.

Ayon kay SPO2 Maaño, nangyari ang insidente pasado alas -2 ng madaling araw.

Diumano kapwa binabaybay ng Honda City na minamaneho ni Jeffrey Beltran, 31, sakay si Briones at Mitsubishi Lancer na minamaneho naman ni Venturina sakay si Chua, ang nasabing lugar galing ng southbound papuntang Monumento nang magsalpukan ang mga ito.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, halos madurog ang unahang bahagi ng Honda City dahilan para maipit ang mga sakay nito at magtamo ng injuries sa kanilang katawan. Habang galos naman ang natamo ng biktimang si Briones.

Sabi naman ng mga nakasaksing tambay sa lugar, nakita anya nilang mabilis ang takbo ng Lancer kung kaya nang magpreno ito ay nagpa-ikot ikot pa bago tuluyang tumama sa likurang bahagi ng Honda City.

Agad namang dumating sa lugar ang rescue team mula sa city hall at isinugod ang mga sugatang biktima sa Capitol Medical Center para malapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigas­yon ng TS6 sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BRIONES

CALOOCAN CITY

CAPITOL MEDICAL CENTER

CITY

DEA JOY BRIONES

HONDA CITY

JEFFREY BELTRAN

MITSUBISHI LANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with