^

Metro

6 miyembro ng ‘RonRon drug syndicate’, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng iligal na droga na nag-ooperate sa Maynila ang nasakote sa isinagawang ‘Lambat Sibat’  at ‘One Time Big Time Operation’ ng Manila Police District-station10, sa ulat kahapon.

Ayon kay Supt. Edilberto Leonardo, hepe ng MPD-station 10, naniniwala siya na nalansag na ang ‘Ron Ron drug group’ sa pagkakadakip sa anim sa mga ito ng mga tauhan ng Station 10 Anti-Illegal Drugs (SAID) Special Operation Task Unit dakong alas-10:30 ng gabi, ka­makalawa sa Dapo St.  sa buy bust operation.

Unang nadakip ang tatlong mga suspek na sina Theodoro Gonzales; Federico Labao Jr; at Erwin Francia.

Nasugatan sa kaliwang tenga si PO2 Samson Sision nang mambato ng mga bote ang mga residente habang ang suspek naman diumano ay nagawa pang paputukan ang direksiyon ng mga operatiba bagamat walang tinamaan.

Alas-2:00 ng hapon, tatlo ding suspek ang dinakip sa Beata panulukan ng Barreto St., sa Pandacan, na kinilalang sina Ferdinand Luna; Mark Anthony Luna at Christopher Luna na pawang kabilang din sa grupo ng sindikato.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARRETO ST.

CHRISTOPHER LUNA

DAPO ST.

EDILBERTO LEONARDO

ERWIN FRANCIA

FEDERICO LABAO JR

FERDINAND LUNA

LAMBAT SIBAT

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with