^

Metro

Siga sa Pasig itinumba: Binaril na, sinaksak pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paghihiganti at matin-ding galit ang tinitignang motibo ngayon ng mga aw­­toridad sa ginawang pagpatay sa pamamagitan ng saksak at pagbaril pa sa sinasabing ‘siga’ sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Bito, alyas Popong, ng Jabson at C. Bornay St., Brgy. Kalawaan sa lungsod.

Nabatid na ang pana-naksak at pagbaril sa biktima ng hindi pa nakikilalang suspek ay naganap dakong alas-11:00 ng gabi malapit sa  kanyang tahanan.

Ayon kay Fernando Va­leros, desk officer ng Brgy.  Kalawaan, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa Jabson St., kaya mabilis silang nagresponde pero pagdating nila sa lugar ay nakita na nilang nakahandusay at wala ng buhay ang biktima na may tama ng bala at saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan .

Sinasabing madalas na may nagrereklamo sa biktima dahil sa pagiging ‘siga-siga’ nito at panggugulo sa kanilang lugar lalo na sa tuwing ito ay nakainom ng alak at lasing.

Sinabi ni Valeros na posibleng ginantihan ang biktima ng maraming galit sa kanya at nakakabang- ga nito sa kanilang lugar.

Gayunpaman, nagsasa­gawa pa ng masusing im­bestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang tunay na motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BORNAY ST.

BRGY

FERNANDO VA

GAYUNPAMAN

JABSON ST.

KALAWAAN

PASIG CITY

RODOLFO BITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with