^

Metro

Konduktor kinuyog ng salisi gang dahil sa titig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang konduktor ang nasa kritikal na kondis-yon matapos itong sak­sakin at pagtulungan gul­­pihin ng isang grupo ng salisi gang dahil tinititigan ng biktima ang mga suspek sa posibleng gagawin nilang panghoholdap sa mga pasahero ng isang bus kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hos­pital si Delmar Awit, 20, binata, ng Barangay Guyong Santa Maria, Bulacan, na nagtamo ng tatlong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya at inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon kay Police Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation Detective Manage­ment Branch (SIMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-11:50 ng gabi sa loob ng Precious Grace Bus Line ha­bang bumabagtas sa southbound lane ng Ma-libay flyover sa naturang lungsod.

Nabatid na konduktor sa naturang bus ang biktima at biglang sumakay ang isang grupo ng mga kalalakihan at kaagad na kinutuban si Awit na grupo ito ng salisi gang, dahil naghiwalay-hiwalay ang mga ito ng upuan.

Dahilan upang titigan ni Awit ang posibleng gagawing panghoholdap ng grupo.

Subalit nagalit ang mga suspek at pinagtulungan nilang gulpuhin ang bikti-ma at hindi pa nakuntento, inundayan pa nila ito ng saksak at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Mabilis namang isi­nugod ng mga pasahero ang biktima sa naturang ospital.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AWIT

BARANGAY GUYONG SANTA MARIA

DELMAR AWIT

DIOS HOS

MGA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE CHIEF INSP

PRECIOUS GRACE BUS LINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with