^

Metro

Mister patay sa suntok nang nakagitgitan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang mister ma­tapos siyang pagsusuntukin ng hindi pa nakikilalang suspek na kanyang nakagit­gitan sa kalsada sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na dead on arrival sa pagamutan ay nakilalang si Delio Bathan, 59, ng Mars St. Greenland Village, Brgy Rosario, Pasig City.

Ang suspek na hindi pa nakikilala ay mabilis na tumakas sakay ng kanyang kulay puting Mazda na may conduction sticker na RJ 8178.

Sa imbestigasyon ng Pasig police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:15 ng gabi sa Ortigas Avenue, Brgy. Ugong sa lungsod.

Ayon sa report, nagkagitgitan ang sasakyan ng biktima na Toyota Vios (TXO-734) at sasakyan ng suspek.

Kapwa bumaba ng ka­nilang sasakyan ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pa­nu­nuntok ng suspek sa biktima.

Sinabi ng isang cigarrete vendor, hindi tinigilan ng sus­pek ang kanyang ginagawang panununtok hanggang matumba at bumuwal sa kalsada ang biktima.

Matapos ang panununtok ay mabilis na pinatakbo ngsuspek ang kanyang sasak­yan para tumakas.

Dinala naman ang biktima sa The Medical City Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay nagsasa­gawa na ng follow up operation ang mga tauhan ng Pasig police at nakikipag-ugnayan na sa pamunuan ng Mazda Philippines upang mabatid kung sino ang nagmamay-ari ng bagong sasakyan na wala pang plaka na siyang nakagitgitan sa kalsada ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY ROSARIO

DELIO BATHAN

GREENLAND VILLAGE

MARS ST.

MAZDA PHILIPPINES

MEDICAL CITY HOSPITAL

NBSP

PASIG CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with