^

Metro

Dahil sa titig, binata binoga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata nang barilin ito sa leeg ng isang mekaniko na nakatitigan nito,  kahapon ng umaga sa Pasay City. Ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Jason Valenzuela,  26,  ng  Magtibay St.,  Brgy. 134 ng naturang lungsod.

Ang suspek naman na nakilalang si Brian Tan,  32, binata ay pinaghahanap pa ng pulisya.

Naganap ang insidente alas-5:00 ng umaga sa  Tripa De Galina, Brgy. 132, Zone-13 ng nasabing lungsod habang  ang biktima ay naglalakad sa naturang lugar nang makasalubong at makatitigan ang suspek.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at  malapitan nitong binaril sa leeg ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas. Isang dumaraang rider ang agad na nagmalasakit at tinulungang dalhin sa naturang ospital ang nakahandusay at duguang biktima. Masusing
iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

ANG

BRGY

BRIAN TAN

DITO

GINAGAMOT

JASON VALENZUELA

MAGTIBAY ST.

NBSP

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

TRIPA DE GALINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with