^

Metro

Isko wala pang plano sa 2016

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Manila Vice Mayor­ Isko Moreno  na wala pa siyang plano  sa 2016 matapos na ihayag ni  Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang pagnanais na muling tumakbo  sa pagka-alkalde sa lungsod.

Ayon kay Moreno, tanging sinabi niya na iginagalang niya ang desisyon ni Estrada subalit wala pa siyang desisyon kung tatakbo sa mas mataas na posisyon bagama’t ikinokonsidera  rin niya ito.

Tanging ang kanyang  prayoridad ay kapakanan ng  Maynila dahil alam na niya ang  problema ng lungsod sa 18- taon na siya ay  nasa pulitika.

 Giit pa ni Moreno na isinasakatuparanlamang niya ang kanyang tungkulin bilang pa­ngulo ng Vice Mayors League of the Philippines ( VMLP).

Umapela ito sa kanyang mga tagasuporta na maging mahinahon sa pagsasabing may magandang plano ang  Diyos para sa kanya.

vuukle comment

AYON

DIYOS

GIIT

ISKO MORENO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA VICE MAYOR

MORENO

VICE MAYORS LEAGUE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with