^

Metro

Stude tumalon mula 6th level ng car park, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 18-anyos na estud­yante matapos tumalon mula sa ika-6 na pa­lapag ng isang car park, kahapon ng umaga sa Makati City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) si Viam Madamba, naka­tira sa Brgy. Magallanes Village, ng naturang lungsod at nag-aaral sa isang Bri­tish school sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Sa report na natanggap ni Makati City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Ernesto Barlam, naganap ang insidente alas-6:30 ng umaga sa 6th level ng Dela Rosa Car Park, Dela Rosa St., Legazpi Village ng naturang lungsod.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa naturang lugar at dito isinagawa ang pagpapakamatay sa pama­magitan nang pagtalon.

Kaagad na dinala ang biktima sa nabanggit na ospital at rumes­ponde naman  ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente.

Pinuntahan ng mga imbestigador ng Homicide Section ng Makati City Police ang biktima sa nabanggit na ospital at doon nalaman sa mga kaanak na may problema umano ito sa kanyang pag-aaral, na hinihinalang isa sa dahilan ng pagpapakamatay.

vuukle comment

DELA ROSA CAR PARK

DELA ROSA ST.

ERNESTO BARLAM

HOMICIDE SECTION

LEGAZPI VILLAGE

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE OFFICER-IN-CHARGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with