^

Metro

Kelot inutas ng mga ka-trabaho

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 48-anyos na obrero makaraang pagsasaksakin ng tatlo niyang kasamahan sa trabaho na  nag-iinuman sa kanilang barracks sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Jorge Cabangon, ng Ibarra Street, Acacia, ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang isa sa mga suspek na kinilalang si Arnold Salente, 47, balo, ng Brgy. Pulang Lupa, Valenzuela City; habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan na kinilalang sina Nelvin Puda y Cruz, alyas Dodong Taba at Giovani De Dios.

Sa inisyal na ulat, nag-iinuman ang mga suspek sa loob ng kanilang barracks sa Ibarra St., Acacia, Malabon, dakong alas-5 ng hapon nang maibulalas ng suspek na si De Dios ang sama ng loob nito sa biktima.  Bigla namang sumulpot sa inuman si Cabangon na naging dahilan ng mainitang pagtatalo.

 Dito na umano pinagtulungan ng tatlong salarin ang biktima na gulpihin at pagsasaksakin saka mabilis na nagsitakas.  Mabilis namang naisugod ng mga residente ang biktima sa pagamutan na nalagutan rin ng hininga.

Nagsagawa namang ng follow-up operation ang mga tauhan ng Follow-Up Section ng Malabon City Police na nag­resulta sa pagkakadakip ng suspek na si Salente. Nakuha sa posesyon nito ang isang balisong at screw driver na hinihinalang gamit sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

ARNOLD SALENTE

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

DE DIOS

DODONG TABA

FOLLOW-UP SECTION

GIOVANI DE DIOS

IBARRA ST.

IBARRA STREET

JORGE CABANGON

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with