Bebot binoga sa ulo, todas
MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 22-anyos na babae makaraang barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Pagamutang Bayan ng Malabon subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Edylene Santos ng Jugado Interior Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang biktima dakong alas-10:15 ng gabi nang lapitan at barilin. Kaswal lamang umanong naglakad patakas ang gunman matapos isagawa ang krimen.
Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng gunman habang inaalam ang motibo sa krimen.
- Latest