^

Metro

Miyembro ng Sigue-Sigue timbog sa panghoholdap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isa sa dalawang holdaper ma­tapos na maagapan ng  tauhan ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang pagtakas nito nang holda­pin ang tatlong estudyante kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni MTPB traffic enforcer Ferdinand Borja­, 49, ang suspek na si  Miguelito Aparri, Jr., 28, miyembro ng Sigue-Sigue Gang at  residente ng #261 Villa­lobos St., Quiapo.

Positibo namang itinuro  ng mga biktimang sina  Yohan Marcelo, 18; Paul Aldrin Medina, 19 at Marvin Adriano, 18 ang suspek.

Batay sa report, alas-4:30 ng hapon noong Biyernes nang mapansin ni Borja ang komosyon sa isang pampasaherong  jeep sa panulukan ng  Rizal Ave. at Fugoso St. habang nagmamando ng trapiko. Dito niya nakita ang papatakas na mga suspek kaya’t agad niyang nirespondehan ang lugar hanggang sa sumigaw ng  holdap ang ilan sa mga biktima.

Agad namang nahawakan ni  Borja sa kamay ang isa sa dalawang papatakas na suspek kung saan nakuhanan din ito ng  baril.

Lumilitaw na nakuha ng mga suspek ang dalawang G-shock na nagkakahalaga ng P17,500 at isang gold bracelet na nagkakahalaga ng  P5,000.Dinala sa MPD-Station 3 si Aparri habang hinahanda na ang kasong robbery holdap at illegal possession of firearms na isasampa laban dito sa piskalya.

 

vuukle comment

BORJA

FERDINAND BORJA

FUGOSO ST.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MARVIN ADRIANO

MIGUELITO APARRI

PAUL ALDRIN MEDINA

RIZAL AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with