^

Metro

Parak todas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng dalawang lalakeng nakamotorsiklo kamakalawa ng gabi malapit lamang sa Pasay City Hall.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si SPO3 Delfin Macario, 49 anyos, nakatalaga sa Station Anti-Drugs- Special Operation Task Group (SAID-STOG) ng Pasay City Police at naninirahan sa Block 4 Lot 2 Vereneo Subdivision, Barangay San Sebastian Kawit, Cavite. Nagtamo siya ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek

Batay sa isinumiteng report kay Police Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:21 ng gabi, malapit sa Pasay City Hall tapat ng Summerlin Building sa kahabaan ng F.B. Harrison St., panulukan ng Valhalla St., ng naturang lungsod.

Naglalakad si Macario patungo sa kanyang nakaparadang kulay silver na Mitsubishi Montero na may plakang MAC-56 na nakaparada sa nasabing gusali at, pagtapat sa kanyang sasakyan, biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at sabay na pinaputukan ng tatlong beses sa ulo at katawan ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY SAN SEBASTIAN KAWIT

DELFIN MACARIO

HARRISON ST.

MELCHOR REYES

MITSUBISHI MONTERO

PASAY CITY HALL

PASAY CITY POLICE

POLICE SENIOR SUPT

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SPECIAL OPERATION TASK GROUP

SUMMERLIN BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with