^

Metro

Lady trader utas sa lover

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 42-anyos  na Chinese trader nang barilin ng diumano’y lover nito na nagbaril din sa sarili sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section ang bik­timang si Jenny Lu.

Ang biktima ay may-ari ng Lucky Power store na nagbebenta ng glassware at plasticware, na matatagpuan sa Elcano St. sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue, Tondo at residente naman ng   KP Tower, Elcano St., Binondo ay dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Ginagamot din sa nasa­bing ospital ang suspek na si Benson Uy, isa ring  Chinese na nagbaril sa sarili at nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib. Na­ging    mababaw lang ang naging tama nito at masuwerteng hindi nahagip ang puso na tumagos sa kili-kili.

Naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga  sa loob ng Lucky Power­ store nang dumating umano ang suspek at matapos magsa­lita ng Chinese ay binaril ang biktima, na sa una ay hindi umano tinamaan pero sa ikalawang putok ay doon ito tinamaan sa tagiliran.

Ayon sa mga tauhan ng biktima, hindi nila naintindi­han ang mga sinasabi ng suspect dahil sa salitang Chinese at nang bumulagta na ang kanilang amo ay saka naman nagbaril sa sarili ang suspek.

Sa obserbasyon ng mga tindera, may relasyon ang biktima at suspek dahil madalas magkita at nakikita nilang sabay pang kumain sa nasabing tindahan ang dalawa. Ito’y simula umano nang umalis ang mister ng biktima na umuwi sa bansang China, may 2 buwan na ang nakalipas.

Noong una ay maganda pa umano ang trato sa isa’t-isa hanggang sa makita na nilang nag-aaway ang mga ito.

Posibleng dahil  umano sa pagpapa-alam ng biktima na uuwi na rin sa China. Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente.

vuukle comment

BENSON UY

CLARO M

ELCANO ST.

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JENNY LU

LUCKY POWER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with