^

Metro

Matansero tinodas ng bilas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang matansero matapos itong barilin ng kanyang bilas at isa pang kasama nitong lalaki dahil sa alitan  kung sino ang magmamay-ari ng bahay na kanilang tinirhan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Bayani Baron Pensan, 34, ng Saint Joseph St., Zone 20, Brgy. 201, Kalayaan, Merville ng naturang lungsod sanhi ng tinamong  dalawang tama ng bala sa kanang sentido buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Victor Andie Sallao, 41, habang inaalam na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng  lalaking  kasabwat nito sa pamamaril.

Ayon sa report, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa loob ng bahay na pinag-aawayan sa Brgy. 201, Kalayaan, Merville ng naturang lungsod. Nabatid, na  si Sallao ay asawa ng hipag ni Pensan  kung saan magbilas ang biktima at suspek.

Dumating ang suspek kasama ang hindi nakikilalang ka­sabwat kung saan nadatnan ang 8-anyos na anak ng nasawi. Pinalabas umano ng suspect sa bahay ang bata at kasunod na nito ang mga putok ng baril kung saan nakita nang nakabulagta ang biktima. Nalaman ng pulisya, na ang biktima at suspek ay may alitan dahil pinag-aagawan nila kung  kanino mapupunta o sino ang magmamay-ari ng bahay na kanilang tinitirhan. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

AYON

BAYANI BARON PENSAN

BRGY

KALAYAAN

MERVILLE

PASAY CITY

SAINT JOSEPH ST.

VICTOR ANDIE SALLAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with