^

Metro

Inspektor sa palengke, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang inspektor ng palengke ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspek habang ang una ay nangungulekta ng kanyang pautang sa mga tricycle driver sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Joe Jacinto, alyas Jepoy, 35, inspector ng Commonwealth market at residente sa San Diego St., Brgy. Commonwealth.

Ayon sa ulat, inaalam pa niya kung may kinalaman ang trabaho nito bilang inspektor sa palengke sa nasabing krimen­.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang sari-sari store sa Santo Niño St., corner San Diego ng na­sabing ba­rangay ganap na alas-7 ng gabi.

Sinasabing nakatayo ang biktima sa lugar at nangu­ngolekta ng bayad sa mga tricycle driver na may utang sa kanya nang dumating ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.

Ilang hakbang ang layo sa biktima ay huminto ang motorsiklo, saka bumaba ang mga suspek at biglang pinagbabaril ang una.

Matapos ang krimen, mabilis na nagtungo ang mga suspek sa motorsiklo saka pinaharurot ito papalayo sa lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BRGY

ILANG

INAALAM

JEFFREY JOE JACINTO

SAN DIEGO

SAN DIEGO ST.

SANTO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with