^

Metro

Giit sa misis ni Enzo ‘Sumuko na at magpaliwanag’ – QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Richard Albano  sa misis ng pinaslang na car racer  champion na si Ferdinand ‘Enzo’ Pastor na kusang sumuko upang linisin ang kanyang pa­ngalan kaugnay sa pagpatay sa asawa.

Ayon kay Albano, walang ibang pamamaraan si Dahlia Pastor para malinis ang kanyang pangalan kung hindi ang sumuko at linawin ang inaakusa sa kanya.

Gayunman, hanggang hindi umano ito nagpapakita ay itinutu­ring pa rin anya ng buong QCPD na suspek sa nasabing krimen.

Si Dahlia ang asawa ni Enzo Pastor ang itinuro ng gunman na si PO2 Edgar Angel na  kabilang sa mastermind sa pagpatay kay Enzo, kasama ang negos­yanteng si Domingo de Guzman III.

Sa pagkakadakip kay Angel at De Guzman ay itinuring ng QCPD na sarado na ang kaso, bagama’t hindi pa nahuhuli si Dahlia.

Samantala, patuloy na umaapela sa kinauukulan ang pamilya ni Pastor na bigyan ng hustisya ang kamatayan ng kanilang anak.

Ayon kay Tomas Pastor, tatay ni Enzo, natutuwa na sila sa naging resulta ng kaso matapos ang halos dalawang buwan at kalahati na paghihintay para maresolba ito. Pero, mas magiging malaki ang kanilang kasiyahan kapag nakamit na nila ang tunay na hustisya.

Ikinagulat din anya nila ang lumabas na motibong “love triangle” sa krimen, pero hinahayaan na lang anya nila ito sa mga pulis na nagsisiyasat sa kaso.

 

vuukle comment

AYON

DAHLIA PASTOR

DE GUZMAN

EDGAR ANGEL

ENZO

ENZO PASTOR

POLICE CHIEF SUPT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with