^

Metro

2 hostage drama naganap sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos siyam na oras na hostage drama, nagwakas ang pag­ho-hostage ng isang lalaki sa kanyang tiyuhin at isang pinsan matapos na tuluyang pasukin na siya sa loob ng bahay ng mga awtoridad sa Brgy. Baesa, Quezon City kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District Station 3 Police commander Supt. Ariel Capucao, ang suspek ay nakilalang si Melvin Medina na agad na isinakay sa isang ambulansiya para dalhin sa ospital at para ma-medical.

Alas-7:30 ng umaga umano nang simulan ng sus­pek ang panghohostage sa kanyang tiyuhin na si Doroteo Querubin at pinsang si Marvin Caag sa isang bahay sa Maxima St., Villa Matilde, Brgy. Baesa.
Sabi ng ilang kasamahan nito, bago ang pangho-hostage Huwebes pa lang ng hapon ay aligaga na ito at hindi mapakali.

Hanggang kinabukasan ng Biyernes ay sinabihan umano sila nito na tumawag ng pulis dahil may gustong pumatay sa kanya, bago tuluyang nagkulong sa loob ng bahay kasama ang dalawang biktima.

Bago ito, nakipag-inuman umano ang suspek sa kanyang kasamahan dahil sa dispedida ng isa sa kanilang katrabaho na mag-aabroad, at kinabukasan ay naganap ang hostage drama.
Sabi ni Capucao, namataan nila ang suspek na sinusugatan ang kanyang sarili, pero wala namang sinasaktan sa panig ng kanyang bihag.
Alas-4 ng hapon nang tulu­yang magwakas ang hostage drama matapos na puwersa­hing pasukin na ito ng  mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT), ilang sandali makaraang dumating ang hinihintay na kamag-anak mula sa Pila Laguna.

Sabi ni Capucao, pag­dating ng kaanak ng suspek ay sinikap ng tropa na ma­ging maayos ang pagsuko nito pero hindi ito tumugon lalo na nang makita nilang aktong mananakit ito dahilan para puwersahing wasakin na nilang buksan ang pinto at dakpin ito.

Samantala, alas-3:05 ng hapon nang ihostage naman ng isang lalaki ang isang mag-ina sa Brgy. Alicia sa lungsod.

Ayon kay Police Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Que­zon City Police District Station 2, ang suspek ay nakilalang si Andrew Pabustan na may warrant of arrest dahil sa kasong homicide.

Hinostage ng suspek ang mag-inang sina Gina Sason, isang walong buwang buntis at Nate Aldrin Sason, 12, hawak ang isang patalim.

Binihag ng suspek ang mag-ina sa #6 Bala­yan St., Brgy. Alicia.  Sabi ni Sanchez, dumating din ang asawa ng suspek sa lugar at tumulong sa negosasyon hanggang sa kusang sumuko na umano ang nasabing suspek.

vuukle comment

ALICIA

ANDREW PABUSTAN

ARIEL CAPUCAO

AYON

BRGY

ISANG

SABI

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with