^

Metro

Granadang dala ng tandem, sumabog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  granada na pinaniniwalaang  gagamitin ng  riding in tandem sa pananakot sa  sasakyan na kanilang hoholdapin  ang sumabog sa R-10 southbound bago umakyat ng Delpan Bridge sa Maynila.

Ayon kay  Manila Police Station 2 Delpan PCP chief,  Senior Insp. John Guiagui, sinabi nitong isang kulay asul na Mitsubishi Adventure ang sinusundan ng riding-in-tandem.

Pilit itinututok ng magkaangkas na suspek sa salamin ng sasakyan ang hawak nitong granada.

Hinala ni Guiagui, nais ng tandem na holdapin ang sasakyan at gumamit ito ng granada bilang panakot para maisakatuparan ang balak dahil maluwag ang kalsada nang mabitiwan ito ng mga suspects.

Isang dumadaang  motorcycle rider na si Peter San Diego  ang dahil sa pagsabog ay tumumba sa motor at naipit ang kaliwang hita. 

Hawak na ng pulisya ang safety lever ng granada at nalikom na ang mga shrapnel para matukoy kung anong uri ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa itinuturing na nabigong tangkang panghoholdap.

 

vuukle comment

AYON

DELPAN

DELPAN BRIDGE

ISANG

JOHN GUIAGUI

MANILA POLICE STATION

MITSUBISHI ADVENTURE

PETER SAN DIEGO

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with