^

Metro

Rider lasog sa dump truck

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang rider makaraang salpukin ng isang dump truck sa Commonwealth Avenue, lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Ravin Dranath Sierra ng Quezon City Police District Traffic Sector 2, nakilala ang biktima na si Gerardo Garcia, 37, at kawani ng Maynilad.

Ang dump truck na nakabundol sa biktima ay tumakas matapos ang pagkakabangga. Gayunman, isang motorista ang nakakuha sa plaka ng truck na may numerong RFY-778.

Nangyari ang insidente sa may Commonwealth Avenue, kanto ng Mindanao Extension, ganap na alas-3:40 ng madaling-araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak umano ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Commonwealth nang biglang sumulpot mula sa Mindanao Extension ang dump truck at binangga ito.

Sinasabing mabilis ang takbo ng dump truck at hindi na nakapreno pa pagsapit sa lugar kung kaya nasalpok nito ang biktima na papasok sana sa kanyang trabaho.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima, saka muli itong sinagasaan ng truck sanhi upang agad itong masawi sa lugar.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property at abandonment laban sa pinaghahanap pa ring driver ng dump truck.

vuukle comment

BATAY

COMMONWEALTH AVENUE

DRANATH SIERRA

GAYUNMAN

GERARDO GARCIA

INIHAHANDA

MAYNILAD

MINDANAO EXTENSION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with