^

Metro

Retiradong militar, itinumba sa inuman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang retiradong sundalo  matapos itong barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakikipag-inuman, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Teoderico Estacio, 47, may asawa, ng Mt. Apo St., Purok 2, Brgy. South Side ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa katawan buhat­ sa hindi pa batid na ka­libre ng baril.

Base sa inisyal na report na nakarating kay Senior Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa naturang lugar.

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan nang biglang sumulpot ang  suspect at walang  sabi-sabing pinaputukan ito na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tu­makas ang suspect ma­tapos ang isagawang pamamaril.

Hanggang sa nga­yon ay nagsasagawa pa ng imbesti­gasyon ang pulisya hinggil sa in­si­dente at inaalam pa rin ang motibo nang pa­mamaril.

vuukle comment

BRGY

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANUEL LUKBAN

MT. APO ST.

SENIOR SUPT

SHY

SOUTH SIDE

TEODERICO ESTACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with