^

Metro

Shootout: 2 holdaper utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki makaraang manlaban sa mga rumispondeng pulis ilang segundo matapos umanong hol­­dapin ang isang pampase­herong jeepney sa kasagsagan ng bagyong Glenda sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Noberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 4, patuloy na inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspek.

Nangyari ang insidente sa may Rainbow Homes 1, Rainbow St., corner Evangelista, Brgy. San Bartolome, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Bago ito, sumakay umano ang mga suspek sa isang pampasaherong jeepney na may biyaheng Novaliches, Blumentrit at nagkunwaring mga pasahero.

Pagsapit sa nasabing lugar, biglang naglabas ng baril ang isa sa mga ito at nagdeklara ng holdap saka sinimulang limasin ang mga gamit ng mga pasahero.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang mga pulis nang maispatan ang komosyon sa loob ng jeepney.

Dahil dito, nagpasyang lapitan ng mga pulis ang jeepney pero sinalubong na sila nang pagpapaputok ng baril ng isa sa suspek dahilan para mauwi sa engkwentro at masawi ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang mga kinulimbat nila sa mga pasahero maging ang isang kalibre .38 armas na ginamit nila sa iligal na operasyon. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BLUMENTRIT

BRGY

NOBERTO BABAGAY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RAINBOW HOMES

RAINBOW ST.

SAN BARTOLOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with