^

Metro

Binata nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang panibagong kaso ng pagpapaka­matay sa pamamagitan ng pagbigti ang naitala, matapos madiskubreng nakabitin ang isang binata sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Andrew Amayna, 35,  ng  Jasmin St., Brgy. Amparo Capri, Novaliches, sa lungsod.

Si Amayna ang pangatlo na sa listahan ng mga nagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, simula noong Linggo.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, imbestigador sa kaso, ang biktima ay nadiskubre ng kanyang nanay na si Aling Virginia, habang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay, ganap na alas-11 ng gabi.

Sa pag-aakalang mabu­buhay pa, agad na kinalas ni Aling Virginia sa pagkakabitin ang anak saka isinugod nila ito sa Novaliches District Hospital pero idineklara ring dead-on-arrival.

Sabi ni Cornejo, inaalam pa nila kung ano ang motibo ng biktima para magpatiwakal, gayong ang kanyang mga kaanak ay wala rin alam na problema ito.

Nitong Martes ng umaga isang construction worker ang nagbigti bunga ng selos matapos na maghinala itong ang kanyang live-in partner ay may kinahuhumalingang ibang babae.

Habang Linggo naman ng umaga nang magpakamatay din ang isang registered nurse matapos na hindi matanggap umano ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALING VIRGINIA

AMPARO CAPRI

ANDREW AMAYNA

HABANG LINGGO

JASMIN ST.

NITONG MARTES

NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ROLDAN CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with