^

Metro

Away sa upa, lola tinodas ng tenant

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa lupa sa kuwarto, napatay ang isang  63-anyos na lola ng kanyang 35-anyos na tenant, kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz, Manila.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital, sanhi ng isang ma­lalim na saksak sa katawan ng biktimang si Imelda del Rosario, negosyante ng Kalim­bas St., Sta. Cruz, habang mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Allan Olano,  may asawa, ng na­sa­bing lugar.

Ayon kay Senior  Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Division alas-11:00  ng tanghali, nang maganap ang nasabing insidente  malapit sa paupahang bahay ng biktima sa naturang lugar.

Sa report ng pulisya, kumatok umano ang biktima sa paupahan  nitong kuwarto at nakausap umano nito si Olano, hinggil umano sa paniningil nito ng upa.

Dito na umano nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa, hanggang sa mairita umano ang suspek at undayan ng saksak ang biktima.

Madalas umanong nagkakaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek subalit nada­daan naman sa paki­usapan hanggang  sa muli itong magkausap at magtalo kahapon.

vuukle comment

ALLAN OLANO

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

DITO

HOMICIDE DIVISION

IMELDA

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with