^

Metro

Binata itinumba sa Malabon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos itong barilin ng isang lalaki at isang tomboy sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa mukha, sikmura at hita ang biktimang si Jose Mesina, 39,  ng C-4 Road, Brgy.  Lo­ngos ng naturang lungsod.

Inilarawan naman ang suspek na lalaki na may taas na 4’11’’, nakasuot ng puting sweat shirt, asul na pants, bull cap at maitim habang ang kasama nitong tomboy ay tinatayang nasa 4’8’’ ang taas at may katabaan.

Sa pagsisiyasat ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa Borromeo St., Brgy. Longos ng naturang siyudad habang naglalakad ang biktima  nang salubungin ito ng mga suspek at pagbabarilin na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril  ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek at inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga ito  sa pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

BORROMEO ST.

BRGY

CITY POLICE

INILARAWAN

JOSE MESINA

LONGOS

MALABON CITY

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with