^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Muntinlupa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa may palengke sa Alabang, Muntinlupa City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ng Muntinlupa ang mga biktima na sina George Acero at Romeo Dacles.

Nakatayo ang dalawang biktima malapit sa palengke sa Montillano Street nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo mga bandang 6:30 ng gabi.

Binawian ng buhay ang mga biktima habang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa.

Base sa salaysay ng ilang saksi, isa sa mga salarin ay nakasuot ng helmet at ang isa naman ay may suot lamang na sombrero.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung nakuhanan ng CCTV camera ang pamamaril sa dalawang biktima.

vuukle comment

ALABANG

BINAWIAN

GEORGE ACERO

INAALAM

KINILALA

MONTILLANO STREET

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NAKATAYO

ROMEO DACLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with