^

Metro

2 utas sa pagguho ng pader sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay matapos mabagsakan ng gumuhong pader ng isang warehouse sa Quezon City kagabi, kung saan anim na jeep ang natabunan.

Nakilala ang mga biktimang sina Norma Magada, 44, at Robin Leuterio, 22, na kapwa nasawi sa pagbagsak ng pader ng L.G. Atkinson warehouse.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, nangyari ang insidente sa kalye ng Malasimbo sa Barangay Masambong bandang 8:30 ng gabi.

Natabunan ang bangkay ni Leuterio ng mga gumuhong tipak ng bato, habang nasa loob ng isa sa mga jeep ang katawan ni Magada.

Inaayos ang naturang warehouse nang maganap ang insidente.

Inaalam na ng mga awtoridad kung anong kaso ang maaaring isampa sa may-ari ng gusali.

vuukle comment

ATKINSON

AYON

BARANGAY MASAMBONG

DALAWA

INAALAM

INAAYOS

LEUTERIO

NORMA MAGADA

QUEZON CITY

ROBIN LEUTERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with