^

Metro

Brgy. kagawad inutas sa tabi ng anak

Ludy Bermudo, Joseph Cortes - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos Ge­neral Hospital (JJASGH) ang  54-anyos­ na barangay kagawad nang pasukin ng nag-iisang gunman sa loob ng bahay at saka pagbabarilin sa dibdib habang mahimbing na na­tutulog sa tabi ng anak  sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jesus Lita, Kagawad ng Barangay 286, Zone 26, District III,  Binondo at residente ng Valderama St., Binondo, Manila. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng baril. 

Mabilis na nakatakas sakay ng motorsiklo ang salarin na inilarawan sa taas na 5’4 hanggang 5’6, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na jacket, puting  jogging pants, naka-helmet  at armado ng hinihinalang ka­libre .45 pistola.

Sa ulat ni PO3 Michael Ma­raggun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang pasukin sa bahay at barilin ang biktima ng suspek.

Ayon sa salaysay ni Joshua Lita, 17, anak ng biktima, mahimbing na natutulog sila ng kan­yang ama nang magising dahil sa magkakasunod na putok ng baril at nang tingnan ang ama ay duguan ang katawan habang nakahiga.

Humingi ng saklolo sa mga kapitbahay ang binatilyo kaya naisugod pa ang ama sa pagamutan su­balit hindi na umabot ng buhay.

Sa impormasyon, mabait umano ang biktima at walang alam na kaaway maliban sa pagiging masigasig umano nito sa kampanya laban sa iligal na droga sa lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insi­dente.

vuukle comment

AYON

BINONDO

JESUS LITA

JOSHUA LITA

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MICHAEL MA

SHY

VALDERAMA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with