^

Metro

Barangay exec sa Maynila binaril sa loob ng bahay

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines - Binaril ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isang konsehal ng barangay sa Binondo, Maynila nitong madaling araw ng Biyernes.
 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jesus Lita na nakatira sa Valderrama Street, Barangay 286, Zone 26.
 
Namatay si Lita dahil sa dalawang tama ng bala ng baril.
 
Natutulog si Lita nang pasukin ng nag-iisang salarin ang kanyang bahay. Pagpasok sa kuwarto ng armadong lalaki, dalawang beses niya pinaputukan ang biktima.
 
Nakakita ng dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 ang crime scene investigators ng pulisya sa loob ng bahay ng biktima.
 
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. Napag-alaman na si Lita ay aktibo sa kampanya laban sa droga sa kanilang barangay.

vuukle comment

BINARIL

BINONDO

BIYERNES

INAALAM

JESUS LITA

KINILALA

LITA

MAYNILA

VALDERRAMA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with