^

Metro

Binata na-sandwich ng 2 truck, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata  matapos maatrasan at ma-sandwich  ng dalawang truck habang nag­lilinis ito  sa Caloocan City kahapon.

Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center sanhi­ ­­­ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Aldrin Acantilado, 45,  ng Torcillo St., Dagat-Dagatan ng naturang  lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Traffic Bureau  si Rey Integro, 26, driver ng Isuzu Forward (RFF-733).

Lumalabas sa ulat ng pulisya, naganap ang in­sidente alas-9:00 ng umaga sa Torcillo St., ng naturang lungsod habang naglilinis ang biktima sa harapan ng isa pang truck sa nabanggit  na lugar nang biglang maatrasan ito nang minamanehong truck ni  Integro dahilan upang ma-sandwich ang una. Agad itong isinugod  sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Ayon sa suspek, nagkaroon ng diprensiya ang kanyang dalang truck at sa halip na umabante ay biglang umatras at dahil pababa ang kalsada ay naging malakas ang pagsalpok sa biktima.

 

vuukle comment

ALDRIN ACANTILADO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY TRAFFIC BUREAU

CALOOCAN MEDICAL CENTER

ISUZU FORWARD

REY INTEGRO

TORCILLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with