^

Metro

1 na namang lalaki lumundag mula sa MRT station

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki na naman ang tumalon mula sa isang istasyon ng Metro Railway Transit kagabi.

Nakilala ang lalaking si Jefferson Beati, 28, na lumundag mula sa Cubao station ng MRT.

Kritikal ang kalagayan ngayon ni Beati matapos bumagsak sa bubong ng loading bay ng southbound lane ng EDSA.

Kaugnay na balita: Lalaki lumundag mula sa MRT station

Kaagad naisugod sa East Avenue Medical Center si Beati na nagtamo ng bugbog dahil sa lakas ng pagbagsak.

Hindi pa rin naman malaman ang dahilan sa pagtalon ni Beati.

Samantala, nitong nakaraang linggo lamang ay isa ring lalaki ang lumundag mula sa GMA Kamuning station.

Hinihinalang wala sa tamang pag-iisip si Cristobal Delia na tumalon mula sa ikalawang palapag ng hagdanan ng istasyon.

Bumagsak sa outer lane ng EDSA ang biktima na nagtamo ng bali sa kanang kamay na kaagad naman naisugod sa ospital.

vuukle comment

BUMAGSAK

CRISTOBAL DELIA

CUBAO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HINIHINALANG

ISANG

JEFFERSON BEATI

KAAGAD

KAMUNING

METRO RAILWAY TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with