^

Metro

Vendor nadamay sa away sa Happy Land

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi man kasali sa away, tinaga sa mukha at braso ang isang 37-anyos na vendor ng kaaway ng mga kaanak sa Happy Land, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ronnel Asera, residente ng Yellow Bell St., Happy Land,Tondo.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Jeffrey Villanueva, 36, ng Aroma Compound,Temporary Housing,Vitas, Tondo,Maynila at isang kinilala lamang sa alyas na Jojo Japon  na residente rin ng Happy Land.

Sa ulat ni SPO4 Adonis Sugui, ng Manila Police District-Station 1, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay.

 Walang kamalay-malay ang biktima na habang naglalakad ay may nagaganap na away sa pagitan ng kaanak at mga suspek. Bigla itong sinugod  ng ilang kalalakihan na kaaway ng kaniyang mga kamag-anak, kung saan tinaga ang biktima sa mukha. Nang bumagsak ang biktima ay saka lamang tinantanan ng mga suspek at nagsitakas.

 

vuukle comment

ADONIS SUGUI

AROMA COMPOUND

HAPPY LAND

JEFFREY VILLANUEVA

JOJO JAPON

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

RONNEL ASERA

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with