^

Metro

Kelot dinedo dahil sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang onsehan sa iligal na droga ang motibo ng pamamaslang sa isang lalaki na pinagbabaril na posibleng mga miyembro ng isang sindikato, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 at 9mm na baril sa ka­tawan ang biktimang na­kilalang si Edson Aguilar, 32, alyas­ Bobo, ng Phase 8A Package­ 10, Block 150, Lot 4 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Isang alyas “Carim/Maranaw” at isa pang hindi nakilalang lalaking kasamahan nito ang pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang huling makita ang biktima kausap ang mga suspek sa isang madilim na eskinita. Humantong ang pag-uusap sa pagtatalo hanggang sa sunud-sunod na putok ng baril ang uma­lingawngaw.

Duguang bumulagta si Aguilar habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Sa salaysay ng misis ng biktimang si Marivic, alam niyang sangkot sa iligal ng bentahan ng droga ang kanyang mister at madalas nga niya itong pagsabihan ng huminto na subalit nagpatuloy pa rin ito. 

Posibleng ito umano ang dahilan ng pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

AGUILAR

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CARIM

DUGUANG

EDSON AGUILAR

HINIHINALANG

HUMANTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with