^

Metro

13-anyos binoga sa loob ng computer shop, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin na nakasuot ng bonnet ang isang 13-anyos na totoy sa loob ng isang computer shop, kahapon ng madaling-araw sa Ma­labon City.

Nasawi sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Ramon Tanjongco, ng C. Perez St., Brgy., Tonsuya ng na­sabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nanonood ng mga naglalaro sa loob ng Santina Com­puter Shop dakong alas-4:30 ng madaling-araw ang biktima nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas.

Nabatid na bago ang insidente, kasama ang biktima sa kanyang mga kabarkada na nakipagrambulan sa isa pang grupo ng mga gang sa may Kadima, Letre Road, Tunsoya ng nasabing lungsod.

Nang matapos ang rambol, dumiretso ang grupo ni Tanjongco sa naturang computer shop at naglaro.  Dito sinundan ang grupo ng biktima ng kanilang kaaway at sumalakay nang makakuha ng tiyempo.

vuukle comment

BINARIL

BRGY

DITO

KADIMA

LETRE ROAD

NABATID

PEREZ ST.

RAMON TANJONGCO

SANTINA COM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with