^

Metro

Shootout: 1 patay, 2 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi ha­bang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang dalawa pa na umano’y miyembro ng Burdado Carnap Group  matapos na maka-engkuwentro ang pulisya  sa Taft. Avenue sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Michael de Guzman, 27, ng Corregidor St., Tondo.

Ang  ikalawang  suspek na kinilalang si  Mark Davis, 31, ng San Perfecto St., San Juan City ay isinugod sa Ospital ng Maynila matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Natunton naman ng mga pulis sa Capitol Me­dical Center ang ikatlong suspek, na kinilalang si Ogie Ramos, 45, ng Pan­dacan, Maynila na nagtamo ng bala sa dibdib at balikat at inilipat na sa Philippine General Hos­pital (PGH).

Sa ulat ni SPO3 Ge­rardo Rivera, operatiba ng MPD-Anti-Carnapping Unit, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Natiyempuhan lamang umano ng mga ta­uhan­ ng ANCAR ang mga suspek lulan ng tatlong motor na humaha­gibis at nang habulin ay lalo pang humarurot. Hinabol umano ito ng mga awto­ridad at nauwi sa pagpapalitan ng putok na ikinatama ng mga suspect.

Nakatakas umano si Ramos na nadakip din sa Capitol Medical Center.

Ayon sa nabiktima na si Nikko Mendoza, 23, habang binabagtas niya sakay ng kanyang motorsiklo ang Quirino Avenue, ay dinikitan siya ng riding-in-tandem sakay ng kulay violet na Yamaha Mio at tinutukan siya ng baril, habang ang isa pang nakamotorsiklo ay nakaantabay.

Sa halip na huminto at ibigay ang motorsiklo, pinaharurot na lamang umano ng biktima at nang makakita umano ng barangay tanod ay big­lang binitawan ang motorsiklo bago kinuha ang susi habang ang mga pulis na nagkataong nasa kalye ay nakipag­habulan na sa mga suspek.

 

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

BURDADO CARNAP GROUP

CAPITOL ME

CAPITOL MEDICAL CENTER

CORREGIDOR ST.

MARK DAVIS

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with