^

Metro

River bus ferry, isusulong ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsagawa na kahapon ng dry run ang  Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) para sa muling paggamit ng river bus ferry bilang alternatibong behikulo ng mga commuter dahil na rin sa matinding trapik sa mga lansa­ngan lalo na nalalapit ng um­pisahan ang mga infrastructure road project ng gobyerno.

Nabatid  na ang naturang MMDA river bus ferry ay may kakayahang magsakay ng 40 pasahero at ang itsura nito ay kulay dilaw na mini bus na nakapatong sa isang tug boat.

Ayon sa MMDA, maga­gamit din aniya ang naturang ferry boat pang emergency lalo na kung pupunta ng ospital para makaiwas aniya sa sob­rang trapik sa EDSA Avenue.

Laging handa rin ang river bus ferry dahil may mga life vest dito na siyang gagamitin ng mga mananakay. Ang naturang dry run ay sinimulan sa Guadalupe Station, Makati City  papuntang  Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila.

Nabatid pa sa MMDA na isang ferry boat pa lamang ang nagagawa, subalit layon nilang makagawa ng apat hanggang lima. Gagamitin naman ang mga daungan na ginamit na noong 2011 noong aktibo pa ang operasyon nito.

Inaasahan na magsisimula ang operasyon  ng MMDA river bus ferry sa buwan  Abril kung saan babagtas  ito ng  Maynila, Mandaluyong, Makati at Pasig City.

vuukle comment

ABRIL

GUADALUPE STATION

MAKATI CITY

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NABATID

PASIG CITY

PLAZA MEXICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with