7 miyembro ng MPD-Station 5 inireklamo
MANILA, Philippines - Pitong miyembro ng Manila Police District-station 5 ang ipinagharap ng patung-patong na kaso kaugnay sa pag-aresto sa isang binata na inakusahang nagtutulak ng iligal na droga, sa San Andres, Maynila noong Pebrero 27.
Pormal na dumulog sa MPD-General Assignment Section si Virginia Cosca, 50, ina ng inaÂrestong si Meise Megan Cosca alyas “Boyâ€; Moreen Cosca, 20; at Alaine Tumulva, 18, pawang residente ng no.1254 Gonzalo St.San Andres,Maynila, para ireklamo ang mga tauhan ng station anti-illegal drugs ng MPD-station 5 ng violation of domicile, robbery, physical injury, unlawful arrest at grave threat nang magsagawa ng raid sa kanilang bahay.
Anila, iligal at walang buy-bust operation na ginawa sina SPO1 Jeffrey de los Reyes, PO3 Brian Bagaforo, PO3 Jackson Caballero, PO3 Melchor Aquino, PO2 Myric Velasquez, PO2 Joel Agbulos at PO1 William Cristobal.
Dakong alas-5:30 ng hapon noong Pebrero 27 nang puwersahang pumasok sa kanilang bahay ang mga pulis at hinanap ang kanyang anak na si “Boy†at agad sinunggaban at tinangka umanong lagyan ng shabu sa bulsa, na nang pumalag ay nabaril naman sa puwet.
Bukod sa hinihinalang shabu, nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang isang patalim na tinatayang 9 na pulgada ang haba at P1,000 marked money.
Tumanggi umanong paaresto ang suspek at nanlaban ito at siÂnaksak pa ang isa sa mga umaresto na si PO1 William Cristobal.
- Latest