^

Metro

Mister nangulila kay misis, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding pangungulila sa kanyang misis  ang  sinasabing isa sa motibo kaya nag-suicide ang 29-anyos na mister sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Taguig City kahapon ng umaga.

Nadiskubre ang naka­biting bangkay ng biktimang si Tyrone Macaraeg ng kanyang mga roommate na sina Erwin Puerto, 48; at Mario Dagos, Jr., 28, sa ilalim ng hagdanan ng inuupahan nilang bahay sa #7 Block 1 Sitio 2, Fort Bonifacio.

Sa pahayag ni Dagos kina PO3 Kenth Masnan at PO3 Allan Onteling ng Homicide Section ng Taguig City  PNP, palagi umanong nagkukuwento sa kanya ang biktima kaugnay sa problema mula nang iwan siya ng kanyang  misis may tatlong buwan na ang nakalipas.

Si Dagos at ang dalawa niyang kasamahan sa bahay ay pawang nagtatrabaho bilang driver sa Hertz Rent a Car at halos tatlong buwan na silang magkakasama sa  inuupahang bahay.

Narekober ng mga ta­uhan ng Scene of the Crime Operatives­ (SOCO) ang isang aluminum foil at  tooter na gamit sa paglanghap ng shabu, kasama ang suicide note na nakalaan kay Dagos.

Nakalagay sa suicide note ang paghingi ng paumanhin ng biktima kay Dagos at ang pakiusap na tawagan sa cellphone ang kanyang asawa upang ipabatid ang insidente.

 

vuukle comment

ALLAN ONTELING

ERWIN PUERTO

FORT BONIFACIO

HERTZ RENT

HOMICIDE SECTION

KENTH MASNAN

MARIO DAGOS

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with