^

Metro

Bangkay inilagay sa compartment misis, anak pinatay ni mister

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang isang mag-ina  nang pagpapaluin ng matigas na bagay ng kanilang padre   de pamilya   at inilagay sa loob ng  com­partment ng kotse kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Kinilala ang mag-inang sina Fe Rafael, 54; at Da­nilo Rafael, Jr., 18, kapwa residente ng Multinational Village, Bgy. Moonwalk ng naturang  siyudad.

Nagtamo ang mag-ina ng maraming palo ng ma­tigas na bagay sa ulo na pinaniniwalaang dahilan ng agad na kamatayan ng mga ito.

Pinaghahanap naman ng mga kagawad ng Parañaque City Police ang suspek na si Danilo Rafael Sr., 55, ng nasabi ring address.

Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, alas-12:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina  sa compartment ng kanilang kotse na may plakang TQN-896, na nakaparada  sa harapan ng
bahay ng mga magulang ni Fe sa Timothy St., Multinational Village, Bgy. Moonwalk  ng nasabing lungsod.

Nagtataka ang mga kaanak ni Fe kung bakit nakaparada sa kanilang harapan ang kotse nito dahilan upang inspek­siyunin ng mga ito hanggang
sa tumambad sa kanila ang bangkay ng mag-ina.

Matapos isagawa ng suspek ang krimen ay mabilis itong tumakas at ayon pa rin sa mga kaanak ng biktima, sobra umanong  seloso ang suspek at isa ito sa mga motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya.

 

vuukle comment

ARIEL ANDRADE

BGY

CITY POLICE

DANILO RAFAEL SR.

FE RAFAEL

MULTINATIONAL VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with