^

Metro

5 sa gang rape, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang limang binatilyo matapos muling makipagkita sa isang 19-anyos na babaeng nagsampa laban sa kanila ng kasong rape sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Itinago ang mga pangalan ng mga suspek sa alyas Cris, 18, 4th year high school student; Aris, 15, 4th year high school; Lito, 17; Jose, 17 at Pepe, 17, pawang out-of-school youth at  pawang mga residente ng Hermosa, Tondo, Maynila­.

Ang lima ay dinakip nang  harapang ituro sa mga tauhan ng Manila Police District-Hermosa Police Community Precinct (PCP) ng biktimang itinago sa pangalang si Jenny, 19, college student, resident ng Caloocan City na silang naghalinhinan na humalay sa kanya.

Isinalaysay ng biktima na noong Enero 11, 2014 niyaya  umano siya ng isang kaibigang babae sa inuman dahil sa selebrasyon ng monthsary ng nobyo ng huli. Nagtungo sila sa bahay ng isa sa suspek sa Torres Bugallon St.

Nang makainom na ng tatlong baso, nahilo at nakatulog ang biktima hanggang sa magising ito dakong alas-11:00 ng gabi, na masakit na ang buong katawan, hubo’t-hubad habang naroroon ang mga suspek, nawawala na ang dala niyang P2-libo na itinago sa dibdib pati ang suot niyang contact lense ay wala na sa kaniyang mata.

Dali-dali siyang nagbihis at umalis at nagsumbong sa mga magulang. Idinulog sa pulisya ang insidente at isina­ilalim siya sa medico-legal para pagtibayin ang ihaharap na kasong rape.

Kamakalawa ng gabi, dakong alas-7:30 nang itext siya ng mga suspek at nais umano siya uling makita, hanggang sa makipagtagpo ang biktima sa Hermosa St.

Lingid sa kaalaman ng mga suspect ay may ka­sama ng mga pulis ang dalaga na umaresto sa kanila.

 

vuukle comment

ARESTADO

ARIS

CALOOCAN CITY

ENERO

HERMOSA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HERMOSA POLICE COMMUNITY PRECINCT

MAYNILA

TORRES BUGALLON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with